Ni: Jose Corazon de Jesus
I.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam!
V.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam!
V.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Pagsusuring basa: Isang Punongkahoy ni Jose
Corazon de Jesus
A. Pagkilalasa
may akda:
Si Jose Corazon de Jesus o mas
kilalang “Huseng Batute” ay ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896 sa Sta. Cruz,
Maynila at pangalawa siya sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana
Pangalinan. Ang unang tulang ginawa niya ay Pangungulila noong 17 taong gulang
pa lamang. Noong taong 1920, nag ambag siya ng tulang Taliba sa. Siya rin ay
kinilalang “Hari ng Balagtasan”, matapos manalo laban sa kanyang pangunahing
katunggali na si Florentino T. Collantes. Namatay siya noong Mayo 26, 1932 sa
edad na 36 dahil sa ulcer. Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng
habilin niya sa tulang “Isang Punongkahoy” na anakasya.
B. Teoryang
Pampanitikan: Realismo
Ang tulang Isang Punong kahoy ay
may teoryang realismo dahil ipinakita niya ang mga karanasan at nasaksihan sa
kanyang lipunan.ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang niyaang pagka epiktibo ng kanyang sinulat.
C. Uri
ng Pampanitikan
Angtulang ito ay maliwanag na
nagdadalamhati ang makata.
D. Estruktura
(Sukat, Tugma at Ritmo)
Ang tulang “Isang Punongkahoy’ ay
may sukat na tig labing dalawahin at ang bawat taludtod ay may walong saknong.
Ang tugmang mga salita ay napaka sining at naipaparating niyang mabuti ang
tula.
E. Repleksyon
Ang masasabi ko sa pag buo ng
isang tula, kinakailangan talaga na may mga kasangkapan tayo. Hindi lamang sa
karunungan ito makikita kundi rin sa kasangkapan sa mga karanasan makakalikha
tayo ng mga iba’t ibang uri ng damdamin na siyang naghuhudyat sa atin upang
maipapalabas natin ito sa masining na pamamaraan. At ang tula, ay pwedeng gawin
na inspirasyonnang mambabasa.
|
No comments:
Post a Comment